Tuesday, January 27, 2009

handymanness

 
gusto ko matutunan lahat,
parang si macgyver.


para makidnap man ako,
makulong sa isang kwarto,
isabit ng goons sa kanto,
ihagis sa mga bato bato,
makakawala pa rin ako.


Sunday, January 11, 2009

maikling kwento ng magulang (hindi parents in english)

isang gabi sa bus terminal ng Victory Liner sa monumento, ako, sampu ng aking mga kaibigan ay bumili ng ticket patungo ng Zambales, dahil kami ay pupunta ng Anawangin. Dahil sa kadahilan ayaw namin maging chance passenger (mga hindi bumili ng ticket at hinayaan ang tadhana na mag allocate ng mauupuan nila bus). Nuong dumating ang takdang oras, kami ay umakyat na sa bus.

Nakareserba sa amin ang upuan bilang 29 hangang 43 (kung tama ang aking pagkakaalala), ngunit pag dating namin duon ay mayroon ng nakaupo sa 41 hangang 45. Kami ngayon ay napahithit ng hangin! Pagkatapos namin humithit ng hangin, ito ang napagdiskusyunan namin at ng mga nakaupo na sa pwesto namin.

seat 41-42: sila ang dapat nakaupo sa 44-45. Pinakita nila ang kanilang ticket.
seat 43: nagbabakasali lang. ngunit umalis na rin.
seat 44-45: nakareserba na raw sila dun at yun ang sabi ng kung sino man. At may pinakita silang papel na may 45-46 na nakasulat. *(sandali lang nila pinakita ang papel kaya maaring kodigo lang to sa test paper. hindi ako sigurado)

sa kadahilan ayaw na namin makipagtalo at dahil may upuan pa naman sa may bandang harapan. Pinili na lamang namin ang mapayapang daan at naupo si Manny P sa isa pang bakanteng upuan.

di naglaon... natutulog na ang karamihan.. ng naniningil na ang kunduktor sa mga chance passenger (see definition above)... pagdating sa amin upuan... laking gulat ko na lamang ng biglang tinawag ni 44-45 / 45-46 ang kunduktor at biglang nagbayad! Naknangteteng! Wala naman pala talaga silang ticket!

Ako ay nagulantang, nalungkot at nainis na pinaghalo halo (mixed emotions). Di ko akalain na para sa isang maliit na bagay na gaya ng upuan ay magagawang manlinlang ng mga tao na to. Nakakalungkot lang talaga... at dahil sa di ko na natiis.. tinira ko na lang sila. (shoot)

huli ka balbon!

Sa totoo lang, ang aking lamang munting nais ay mawala ang ugaling mapanglamang lalo na sa ating kapwa Pilipino...