Tuesday, January 24, 2006

filler

wrote while on the plane to San Francisco:

1:17AM Jan 4 - Filipino Time

Ako ngayon ay nakahalandusay sa aking upuan habang tinatype ang entry na ito. Kung ating tatalakaying anong upuan ba ito? Well ito ay isang upuan ng eroplano na ngayon ko lang naexperience. Sa ngayon maraming bago at masasayang nangyari at sa tingin ko naman na mangyayari sa buhay ko.

Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil sa biyayang binigay at pagkakataon na binigay nya sa akin upang makapunta ng ibang bansa. Marami pa ako pwedeng ipagpasalamat sa Diyos ngunit hindi ko maaring isambulat ito sa aking lathala dahil sa maraming kadahilanan na NTNB or Need To Know Basis. Basta ang masasabi ko lang ay masaya... masaya ako....

No comments:

Post a Comment