Thursday, March 20, 2008

kawalan ng sulat

sinusubukan ko magsulat,
hindi naman kasing haba ng alamat,
ngunit wala pa rin ako masulat.

hindi naman ako natatakot magkalat,
sapagkat makapal naman ang aking balat,
ngunit wala pa rin ako masulat.

ako talaga'y nagugulat,
dahil wala ako masulat.
kahit sa tingin ko marami akong ulat
na dapat ipagkalat,
ngunit di ko alam baket hindi ko ito maisulat.

sana'y mabigyan muli ako ng mulat,
at ng ang utak ko ay maunat
para ako ay makapagsulat.