Nakarating ng NAIA (~3hrs)- Nawalan ng ballpen (basta nawala)
- Binigyan ng ballpen (binigyan ako bigla ng nasa harap ko kasi extra ballpen daw nya yun. bwahahaha answered prayer)
- May nakatabing first timer sa plane. Inadvice-an ko na ang key ay magtanong lang palagi pag hindi nya alam gagawin.. resulta kinulit ako ng tanong.
Nakarating ng Nagoya, Japan Airport (~9hrs)- Napunta sa huli ng pila kasi hindi ko makita yun ticket stub ko kaya nagpaprint na lang ulit ako.. pag kuha ng panyo sa inis, nagin doble na yun stub ko.
- Nagsimulang basahin ang 'Dexter in the Dark'
- Natulog
- Gumising
- Kinukulit pa rin ako.
Nakarating ng Detroit Airport (~24hrs)- Ayon sa immigration bawal daw gamitin ang L1 visa for transit to Barbados, ginamitan ko ng charms, pumayag na... sabi ko rin kasi na yun na ginawa ko dati pa. hehehe.
- Pumunta ako sa WorldClub lounge ng northwest. Hindi pa pala ako pwede dun. huhu.. buti na lang may malambot na sofa.
- Nagbasa ng libro.
- Natapos magbasa ng libro.
- Nakatulog ng 4hrs.
- Kumain ng Quiznos... uhuhhmmm.... (Ayon sa advertisement kasi Quiznos.. uhuhmmmm...)
- Di na ako kinulit kasi naligaw na ata sya.
Nakarating ng Boston Airport (~34hrs)- Nanood ng Meet the Spartans sa laptop (Naalala ko ang Cielo girl)
- Nanood ng 5 episodes ng Prison Break
- Sa airport lang ako kasi alanganin mag hotel dahil 9pm ako dumating, 5:45pm flight ko.
- Nakakilala ng Venenzuelan. Picturan ko sana kaso empty bat na cellphone ko.
- Kumain ng nakalimutan ko na na newyork specialty something something.
Nakarating ng Miami Airport (~46hrs)- Nagtanong kung san makikita yun group number.
- Tinanong nanaman ako sa visa ko.
- Nagtopak ang system ng American Airlines (Sabre error.. ayon sa screen... navitaire ba gumagawa ng system nila?)
- Nadelay ang flight ng 20min dahil sa akin.
- Avoid them evil eyes ng mga passenger.
Narakarting ng Barbados (~52hrs)- Nagpatatak ng Visa.
- Nadelay ang bagahe. Tapos isa lang yun service rep nlia na wala sa upuan kaya kailngan ko pa hintayin. Tae sya.
- Nagtaxi.
- Sinundo sa school yun anak nun taxi driver.
- Hinatid yun anak sa bahay nila. Anak ng! (hehe pero ok lang naman)
- Apartment na.
- Wala pa rin bagahe ko. :(
- Nag crab and corn soup.. just add 1 egg.
At duon nagtatapos ang aking biyahe.
No comments:
Post a Comment