Tuesday, March 22, 2011

check-in joy

Nais ko lamang isalaysay ang aking mga karanasan sa Emirates check-in counter sa NAIA terminal 1 bago lumipad patungo ng Uruguay.

Visa Bisa
FA: Sir gusto lang po namin malaman kung valid pa po yun visa nyo.
Me: Yup bago pa lang yan.
      Tapos 90days or 3months from the date of entry to the country ang validity.
FA: Ah ganun ba... Spanish kasi kaya di namin maintindihan.
      Tapos yun date dito March 18 at March 14 yun nakalagay, baka mamaya expired na pala visa nyo
Me: oo nga e. Hindi ko rin maintindihan kung  kung para saan yun 2 dates
      pero I doubt na expired yan since bago pa lang and 4x na ako pumunta dyan with 2 separate visas.
      You just need to take my word for it na lang siguro.
FA: Sige sir, hanap lang ako ng marunong magbasa ng Spanish.
      Wait nyo na lang po ako sa gilid.

(After 15 minutes...)

FA: Sir, I guess I'll just have to take your word for it.
Me: /facepalm


6 + 8 = we need to debate (para rhyme)

Back pack goes in hand carry luggage
FA: Sir, timbangin lang po natin yun hand carry luggage nyo.... (hithit ng hangin!)
      15kg po yun hand carry luggage nyo, allowable po 7kg lang.
Me: Miss nangyari na sa akin to before. 
      (opens bag, remove laptop backpack, empty hand carry luggage, put empty luggage at scale)
       6Kg Walang laman yun hand carry luggage ko, nakalagay lang talaga yun backpack ko sa loob para hindi ko need buhatin buong flight.
FA: Sir, 7Kg lang po talaga ang allowable e.
Me: You mean to tell me 1Kg lang ang pwede ko ilagay sa hand carry na luggage?!
FA: Ganun na nga po sir, kasi 7Kg lang po ang allowable e.
      Sige po itanong ko na rin po sa supervisor namin.
      (after 3mins...)
      Hindi po pumayag supervisor namin e.
Me: Miss, 6hrs ang stop over ko sa Dubai 3hrs sa Brasil,
      ayaw ko magbuhat ng 8Kg backpack kung pwede ko naman hilahin. 
FA: Sir, hanggang 7Kg lang po talaga e.
      Hindi rin po kasi kayo papapasukin before mag immigration gate kapag over 7Kg ang hand carry luggage nyo.
Me: (counting from 5 to 1)
       Sorry miss, hindi ko talaga matanggap, pakausap na lang ng supervisor mo.
FA: Sir, uulitin lang po nya sinabi ko...
Me: Pakitawag please, pasensya na ha at hindi ko kasi matanggap talaga e.
Sup: Sige po sir, paghiwalayin nyo na lang po muna dalhin yun backpack at hand carry nyo. Baka po kasi pag nasa airplane na kayo bigla bumagsak yun handcarry nyo sa overhead bin pag over 15kg.
Me: Ok.......... ty.
       (pinapasok sa before mag immigration gate without any hassles)

Nakakapagbagabagtag
FA: Sir eto na po un bag tags nyo.
      Need nyo po kunin sa Brasil bag nyo then check-in ulit dun.
Me: Ha? Akala ko diretso na sa Montevideo yun bags?
FA: Hindi po, need nyo pa recheck-in ulit sa Sao Paolo.
Me: Ok. Ty. (Walks away)
      Nina, saan mo kukunin yun luggage mo?
Nina: Montevideo.
Me: ... (Walks back to the counter)
       Miss baket yun kasama ko hanggang Montevideo na ang bags?
FA: Ay....
Me: Galit ka ata sa akin e....



fin.

11 comments:

  1. bka may kamalasang taglay ka lng talaga sa mga ganyan. kaw lang ang nalo-lost baggage at nara-"random" check.:))

    ReplyDelete
  2. ganun na ba ka engot ng mga FA ngayon?!?

    ReplyDelete
  3. @ning, tinetest lang kasi ni Lord problem solving skills ko at patience. :))

    @markyut, may iba ka ata pinaghuhugutan pre! :))

    ReplyDelete
  4. naku topeng! malakas talaga mantrip ung airline peeps lately. nakakainis but we still have to deal with them. buti nalang di ka pumayag sa kalokohan nila. at nalaman mo din na mahaba ang pasensya mo.

    ReplyDelete
  5. wahahahaha hindi FA yun

    ReplyDelete
  6. grabe, ang hassle naman ng nangyari sayo. buti nalang sooobrang haba ng pasensya mo.

    ReplyDelete
  7. awwww... i think kung sa akin nangyari yan iiyak na lang ako. wala akong pasensya sa ganyan.

    ReplyDelete
  8. anong airline to?haha panalo \m/

    well nung pumunta ako sa brazil, my luggage took me more than 7kgs dun sa max kilos pero mabait naman yong FA na nag assist kasi sabi ng boss nya, ok lang daw since malayo ung destination ko. :D

    ReplyDelete
  9. @ricci, huwag kang papayag! lalo na kung sa tingin mo tama ka at logically sound naman point mo. :p

    @joan, hahaha sanay na siguro. need lang nila ng understanding.... :))

    @jeng, sabihan mo turuan mo sila mag makeup para naman mas maging linient sila sayo. :p

    @jc,emirates. medyo mahigpit lang talaga sila kahit dati pa. Actually yun din sabi ko. Maawa naman sila sa likod ko. Wala naman ako magagawa kung 3kg yun camera ko e. :))

    ReplyDelete
  10. natawa naman ako dun. malas ka nga lang talaga tops. :))

    ReplyDelete
  11. @nica, hahaha balanse lang ng buhay yan. :p

    ReplyDelete