nung araw ng sabado at linggo nagsimula kami gumawa ng amateur film bilang initiation sa SPL. Ako ay natutuwa dahil nagkaroon nanaman ako ng pagkakataon na makagawa ng bagay na tunay ko nga namang kinaaliwan. Mahilig talaga kasi ako gumawa ng mga bagay na sa tingin ko ay maaaring makapagpasaya sa tao. (Ngunit alam naman natin na hindi natin mapapasaya ang lahat - We can't please everybody.)
Noong nasa mataas na paaralan pa lamang ako ay sinasabi nila na meron akong angking talino sa pagarte bawasan lamang ang kashongakan ko sa pagkabisado ng aking linya. Naalala ko pa nung panahon na nabubuhay pa si... ummm... yung nanay ni Nikki Coseteng, ay nanood sila ng aming pagtatanghal at nagkaroon ng mga eksana duon na ilang beses ko nakalimutan ang aking linya at sa proseso ay nalito ang aking mga kapwa-manggaganap. Ngunit sa kinalaunan ay napaiyak sila sa aking madamdaming pagkamatay sa dulo. (Hindi ako sigurado kung naiyak sila dahil maganda ang pagtatanghal or dahil sa tuwa at natapos na ang palabas)
Nung pumasok ako sa kolehiyo ay nabigyan ako ng pagkakataon na maging punong tagapamahala ng aming grupo na gagawa dapat ng maliit na pagtatanghal sa classroom. Ngunit dahil sa mapait na alaala na shongak nga ako sa pagkabisado ng linya. Napagnilaynilay ko at sinaad ko sa kanila kung maaring gumawa na lamang kami ng tinatawag na amateur film. At duon nagsimula ang aking unang enkwentro sa larangan ng amateur films.
Naging matagumpay ang aming amatuer film na inentitoluhan na Cielo Girl at sa hindi inaasahan na pagkakataon nagkaroon pa ito ng part 2 (mantakin mo nga naman yan) at naging matagumpay din naman sa aking mababang standards. Nais ko man ipahayag ang buong ditalye dito tungkol sa mga naturang amateur films ay ikinalulungkot ko na baka hindi matuwa ang mga pangunahin tagaganap ng mga nasabing serye sa kadahilanang hindi ko rin maaring isambulat dito. (Pero mind you, they performed mighty well!)
Ayun na nga... napalayo na ako sa aking gusto lamang isaad sa inyo. Kaya muli, duon tayo sa naganap na shooting sa aming bahay na sa kabutihang palad ay marami naman ang nakapunta at nakapagbigay ng kanilang suporta sa pagtulong na mabuo ang isa nanamang amateur film na sana ay tumatak sa buhay ng mga manonood bilang isang obra na talagang binuhasan ng atensyon (kahit medyo kulang sa detalye) at pagod at pagsisikap at ng kapal ng mukha ng mga tagaganap.
Kaya sa mga mahilig gumawa ng amateur films, medyo nauunawaan ko na ang pagod at paghihirap at saya na maari lamang maramadaman ng gumagawa nito (malamang).
Saludo ako sa inyo!
Isa ako sa mga sumali (ang Alien, Others, saling-kit) sa pangatlong obra (tama ba?) ni Direktor Topeng. Nagagalak ako sa mainit na pagtanggap ng mga nakasama ko dito. Ako ay nagulat sa imahinasyon at husay ng mga nakasama ko dito. Sobrang nabilib talaga ako! Mahusay! Mahusay! Mahusay!
ReplyDeleteAt ang higit sa lahat, ako ay natutuwa sa mga bagong nakilala ko sa paggawa ng amateur film na ito. Ang aming lugar ay nasa sulok (dulo), kaya bilang baguhan, mahirap makilala ang mga tao sa ibang grupo. Ito ang naging daan para makakila ng panibong mga nilalang dito sa aming mundo ng paghahanap-buhay.
Salamat Direk Topeng at sana ay manalo ka ng Gawad Urian award...(or Yarian?)...hahaha