Thursday, December 08, 2005

unang pagtuturo

sa wakas! natapos na rin ang aking pagtuturo sa aming AWB o Application Work Bench, hindi Auto White Balance. ^__^. Sa totoo lang todo todo ang aking tensyon nang nagtuturo ako sa kadahilang karamihan sa tinuturuan ko ay mga bossing at ang programa na aking itinuturo ay marami pang mga problema o bugs (hindi yung bunny at lalong hindi yung insekto, pero sa insekto nagsimula ang terminolohiya na yaon)

sa pagpapatuloy, hindi naman talaga mahirap ang programang itinuturo ko ngunit sadyang kinabahan lang ako dahil iyon ang aking unang sa tingin ko ay pormal na pagtuturo. Dati ko pa hilig magturo dahil mahilig ako magfeeling na magaling ako kahit sa totoo lang ay magaling lang ako magkunwari at nagmumukhang pawang katotohanan ang aking sinasabi.

sa tingin ko wala nang patutunguhan itong mga pinagsasabi ko at nakapagsulat lang ako dahil wala ako magawang matino ay pilit kong wag isipin ang mga bagay na hindi ko alam kung bakit ko iniisip or naiisip.. hay... takte...

No comments:

Post a Comment