Friday, December 23, 2005

visa ko may bisa na

nais kong isalaysay ang aking mini adventure sa US Embassy upang mapa-bigyan bisa ang aking VISA.

nagsimula ang aking umaga sa paggising ng maaga kesa sa usual kong pagising. Katulad ng dati, kulang pa rin ang aking tulog, una dahil ako ay masasabi nating excited na may halong takot, pangalawa dahil wala lang.. hahahahaha...

nagpasundo ako kay kuya joseph (salamat kuya joseph na mahilig makipag textmate) nang mga 5:00AM ngunit dumating sya ng mga 5:15AM pero okies lang dahil naliligo pa ako nun at umalis kami ng 6:00AM. Nakarating ako sa US Embassy ng mga 6:30AM.

sa di ko rin alam na kadahilanan nasa ibang listahan ang aking pangalan nang mga may appointment ng 7:30AM. Nung una ako ay nagulantang dahil akala ko ay hindi ako nakasama sa listahan. Pero buti na lang at pinagpilitan ko na nandun ako at nakita naman na sa ibang listahan ako nakalagay. (Medyo naiirita kaagad ang guard. upakan ko sya dyan e!)

duon sa punto na binibigyan ang mga aplikante ng yellow card ako lamang ang hindi nabigyan at nag feeling ako na special ako ngunit tanga lang pala... hahahahaha...

duon as punto na ififingerprint na ang aking pointing finger, ako lamang ang naghold ng matagal duon at inabot ng 15minutes bago ako natapos para lamang sa simpleng finger print. Sa aking pagtingin sa pila sa aking likuran nakita ko ang mga nanlilisik na mga mata ng mga taong pagod na sa kakatayo... dedma na lang ako at lakad ng mabilis palayo upang hintayin na ang aking interview sa consul.

Nung tinawag na ang aking numero para sa interview, bigla nanaman ako inabot ng tense dahil sa mga aking sasabihin na alam ko na hindi ko dapat sabihin. Sa katapusan mali mali ang aking mga sinabi ngunit naniwala/awa sa akin ang consul at binigyan bisa nya ang aking VISA. Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos dahil dito.

Ngayong tuloy na tuloy na ako, alam ko marami pa ang pwede mangyari na mga adventure sa akin...

ps..
masaya at malungkot.. halo halong emosyon... awanin...

3 comments:

  1. oh good for you, may visa ka na! but uhm r u leaving for the states soon?

    thanks sa testi. ur great. appreciate it lots. :)

    ReplyDelete
  2. january 3... wala na ako sa Pinas.

    ReplyDelete
  3. pakanton ka muna bago ka umalis...

    ReplyDelete